do not copy


Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Mensahe:

Lubos po akong nagpapasalamat sa aking mga guro sa kanilang pagmamahal na ibinigay sa amin. Sa aking mga kaklase sa kanilang pagbibigay pahintulot na i-published ang kanilang mga maikling kwentong nagawa sa aming asignatura. Dahil sa kanila ay nabuo ang blog na ito.

Nais ko rin sabihin na ang batch namin ay grumadweyt na noong April 4, 2008.

Umpisa pa lang ito sa aming bagong tatahaking landas. Sana kung saan man kami makakarating ay hinding-hindi nila malilimutan ang kanilang mga sinulat na mga akda.

Para sa inyong mga tanong, komento lalong lalo na po sa mga spelling (typographical error) mag-email lamang po sa admin.mywebs@gmail.com para ma-check muli ng administrator.


Maaari ninyo na rin ako ma add sa friendster add: mark.obsioma@gmail.com .


Log on at my web page:

http://mark.obsioma.googlepages.com/



Maraming Salamat sa inyong suporta!

top

Administrator,
M.A.V.O.

Cagayan de Oro City, Philippines

============================================

CONGRATULATIONS:

THE DON CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARDS FOR LITERATURE WINNERS 2008:

FILIPINO DIVISION

Maikling Kuwento
Unang Gantimpala: Maria Lucille G. Roxas, “Game Show”
Ikalawang Gantimpala: Lemuel E. Garcellano, “Anghel Kalahig”
Ikatlong Gantimpala: Rommel B. Rodriguez, “Kabagyan”

Maikling Kuwentong Pambata
Unang Gantimpala: Walang Nanalo
Ikalawang Gantimpala: April Jade B. Imson, “Si Karding at ang Buwaya”
Ikatlong Gantimpala: Allan Alberto N. Derain, “May Tatlong Kurimaw”


MABUHAY PO KAYO!

source:

http://www.geocities.com/palanca_awards/2008.html

copyscape

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

google search

Wednesday, September 12, 2007

“PAGLALAKBAY”

PAGLALAKBAY

ni Glyza Resabal



Isang napakagandang sikat ng araw ang nagpagising sa akin. Lumabas ako mula sa kwarto at nakita ko ang mga bumubukadad na bulaklak sa hardin sa labas ng aming bahay. An g bahay naming ay yari sa kahoy at napapalibutan ng mga halamang namumulaklak na pinaghirapang itanim ng aking ina.
Nakita ko si mama sa may hardin at abalang-abala sa pagdidilig ng mga halaman. Napalingon si mama sa akin na nakatayo malapit sa pintuan ng aming bahay. “o, nak, gising ka ana pala?”
“Sa’n sina papa at kuya Jun?” ang aking tanong na may ngiti sa aking mga labi.
“Ang kuya mo ay nasa likod ng bahay nagbubungkal ng lupa para ilibing ang pusa na namatay. Ang papa mo ay nasa kusina naghahanda ng ating almusal.” Sagot ni mama habang nakayuko na kinukuha ang patay na dahon sa halaman.
“Ma, aalis po ako mamaya kasama ng mga kaibigan ko. Pupunta kami sa beach.” Wika ko na may himig paglalambing.
“Hay naku! Palagi ka naman ganyan eh… Mas pipiliin mo pa makasama ang mga kaibigan mo kaysa sa amin.” Wika ni mama na parang hindi ko alam kung sasang-ayon. “Hala sige, kumain ka muna bago ka aalis.” May himig na kasiguraduhan na pumayag.



Puno ng tuwa ang aking mukha nang pumayag si mama sa pagsama ko sa aking mga kaibigan. Agad-agad akong naghanda ng mga gamit na dadalhin para sa outing sa beach. Pagkatapos kong maghanda at kumain umalis ako ng bahay at nagtungo sa bahay ng aking kaibigan na si Jhona. “Anong oras ba talaga alis natin patungo sa beach?” tanong ko kay Jhona.
“Pagkompleto na tayo dito.” Sagot ni Jhona.
“Ay naku! Ang tagal pa ng mga yun. Sigurado darating ang mga yun pasado alas-onse! Logi na tayo sa oras ng ating pamamasyal.” Sabi ko na may tinig pagka-inis dahil sa pagiging excited.
“Maghintay na lang tayo dito. Dadating din ang mga yun maya-maya.” Sagot ni Jhona.

Eksaktong alas-diyes ng dumating ang mga kasama naming sina Gian at Janeth. Umalis kami sa bahay nina Jhona sakay ng L300 van na pagmamay-ari ng pamilya ni Janeth. Nang Dumating kami sa beach puro kayuwaan ang nasa aming isipan. Sabuyan ditto sabuyan doon ng tubig dagat na kung tatama sa aming mga mata ay napakahapdi ngunit baliwala ang hapdi dahil sa mga tawa na lumalabas sa aming bibig dulot ng kasiyahan na aming nararamdaman. Patuloy parin ang kulitan hanggang sa oras ng kainan.
“Hoy! Lawrence hinay-hinay sa pagsubo baka hindi na kami makakain dahil inubos mo na!” Pagbibirong sabi ni Janeth.
“Tumigil ka! Ikaw nga riyan ang may mas malaki na katawan sa atin. Kung ikaw ang kakain tiyak ubos ang pagkain.” Nakatawang sabi ni Lawrence.
“Kayong dalawa. Tumigil na kayo para mabusog tayo sa pagkain at hindi sa hangin na pumapasok sa ating bibig dahil sa katatawa.” Sabi ni Jhona na pinatitigil ang dalawa dahil baka mauwi sa away ang pagbibiruan.
Madilim na nang ako’y nakauwi sa bahay. Madilim ang paligid at walang ilaw ang bahay nang aking madatnan. “Ma… Pa…” tinawag ko sina mama at papasabay bukas ng ilaw, ngunit, walang sumagot. Dumungaw ako sa may bintana at tumingala sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin na kumikislap sa kalawakan. Naisipan kong umupo malapit sa bintana upang makita ang napakagandang mga butuin habang naghihintay sa mga kasambahay.
“Panginoon, ang ganda talaga ng langit.” Wika ko habang nakatingin parin sa kalangitan.
“Diyos ko salamat at napakabuti mo talaga sa akin at binigyan ninyo ako ng masaya at magandang araw.” Ang aking sabi na tila nakikipag-usap na kaharap ng personal ang Diyos.

Napatingin ako sa aking relo. Alas-otso na ay wala parin sina mama, papa at kuya. Hanggang naisipan kong umalis ng bahay upang hanapin sila.

Napakadilim ng ng paligid sa labas ng bahay. Nakita ko ang ganda ng mga alitaptapna lumilipad-lipad sa paligid. Nakaka-aliw tingnan at naisipan kong hulihin ang alitaptap na lumapit sa akin. Sinundan ko ang daan na kung saan mayroong maraming alitaptapat sa aking paglingon.
“Bakit hindi ko Makita ang ilaw ng aming baha?” tanong ko sa aking sarili na may pagtataka. “Aaaahh… Baka brownout kaya nawala ang ilaw.” Bulong ko sa aking sarili.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. “Magandang gabi ho…” sabi ko ng makasalubong ko ang isang matandang babae.
“Magandang gabi din naman.” Sabi ng matanda na uugod-ugod sa paglalakad.
“Sa’n ho ba akyo galling?” tanong ko.
“Du’n sa may pampang merong nahulog na bus doon at napakaraming patay.” Sagot ng matanda na hagarhal ang tinig.
“Mabuti naman po at sa tanda n’yong iyan ay nakapunta pa kayo sa may pampang?” ang sabi ko na may himig pagbibiro.
“Ikaw, Sa’n ba ang punta mo?” tanong sa akin ng matandang babae.
“Hinahanap ko po sina mama, papa at kuya kasi wala sila sa bahay pagdatring ko kanina…”
“Hala sige, mag-ingat ka dahil marami ka pang dapat harapin sa iyong paglalakbay.” Sabi ng matanda na may pagbabala.

Nagpatuloy na naman ako sa aking paglalakad kunot noo kong iniisip ang sinabi ng matanda. Habang naglalakat ako, natapakan ko ang dumi ng kalabaw. “Eeeeewwww….” Ito na marahil ang ang ibig sabihin ng matanda. Pagtingin ko sa aking harapan isang aso ang kumakahol at galit na galit ang mukha na humarap sa akin. Wala akong maisip na paraan kundi ang tumakbo at hinabol ako ng aso hanggang napunta ako sa isang maliit na kuweba at naisipan kong magtago doon. Sumilip ako sa labas ng kuweba na aking pinagtataguan at nakita ko na papalayo na ang aso. Naisipan ko na magpahinga muna. Napapikit ang aking mga mata nang isandal ko ang aking ulo sa bato. Bigla akong napadilat nang may ,alamig na bagay ang gumagapang sa aking hita. “Tulong… Tulong… Diyos ko…” Sigaw ko habang hindi makagalaw dahil sa panginginig nang Makita ko ang isang ahas. Nilabanan ko ang takot sa ahas at hinawakan ko sa aking dalawang kamay ang ahas at itinapon sabay takbo. Tumakbo ako nang tumakbo ang lakas ng tibok ng aking puso. Sa aking pagtakbo hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa may pampang kung saan nahulog ang nasabing bus. “Toto nga ang sinabi ng matanda.” Bulong ko sa aking sarili. Bigla akong nakadama ng takot at kaba sa dibdib nanginginig akong makita ang hitsura ng bus. Sumisigaw ako at umiiyak nang makita ko ang isang traveling bag ni mama na nakahilera kasama ang mga gamit ng mga pasahero di-umano ng bus.

Takot at panginginig ang aking nararamdaman sa panahong yaon at sumigaw, “ang lupt mo Panginoon! Bakit ganyan ka?! Matapos mo akong patikimin ng kaligayahan bakit bigla mo na lang babawiin ang ibinigay mong kasiyahan!”

Pppaaakkk…..! Isang napakalakas na sampal ang ang tumama sa aking pisngi at napdilat ang aking mga mata at nakita ko ang mukha ni mama na galit na galit. “Anung nangyari sa’yo?!… Alas-diyes na ng umaga! Bumangon ka na dahil gising na ang buong Pilipinas at nandyan ka pa rin sa kama! Letche!

“Aray…..!”

74 comments:

  1. gling nmn ng short story mo....frm naj

    ReplyDelete
  2. saya grabe...
    keep up the good work!!!!
    godbless...

    ReplyDelete
  3. pde phiram po
    n2ng short story mo??
    thankyou!

    ReplyDelete
  4. hai po..
    pahiram lang po ng short story mo.
    my project kc kme sa Filipino
    and report mo napili q
    tnx..

    ReplyDelete
  5. hi!
    maiiyak na sana ako kaso panaginip lang pala lahat ng yun...we'll maganda yung kwento,it's unpredictable!

    from:bernadette j.

    ReplyDelete
  6. it was very interesting.........
    i like it

    ReplyDelete
  7. ang ginahanap nmin maikli lng, hindi mahaba...
    pd poh un????

    ReplyDelete
  8. grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr

    ReplyDelete
  9. hahaha.....haixt..nabitin tuloy ako..
    panaginip pla...nice one!!!
    keep it up...but its not short...
    its so long...i like it much..
    Take care..

    ReplyDelete
  10. wow ganda ha "im happy to read a story like this keep up the good work"im sure you have a future to be a writer.hope we can be friend"im ate ruby anyway"if your interisted to be my friend just email me ok"ruby_dimabayao@yahoo.com you can visit my fs too.god bless

    ReplyDelete
  11. ang cute ng story! kaya lng...naghahanap ako ng short eh! nice talaga siya!

    ReplyDelete
  12. nung nbasa q ung ending ng story,na-shock aq s nngyari but 4 my description,prng anekdota ung story meanng my isang ngnap n pngyyarng d mo mkklimutan...anyway,highschool n po b keu?im a 2nd year hs student.

    ReplyDelete
  13. .hehehehe
    .pwede pahiram ng story mo??
    .i really need it!!!
    .please don't sew me for this..
    .hehehehe
    .ndi naman talaga ito namin i pupublished ..
    .so dont worry..
    .thanks a lot!!

    ReplyDelete
  14. ...ang ganda talaga!!

    ...hehe,can i borrow?

    ...thanx!

    ReplyDelete
  15. kahit na I didn't read it all I still like it................... its funny but it is also interesting...........................

    ReplyDelete
  16. haha? aus pero kulang... pina ikot mo pa nung pumunta ka sa kweba... sirguro mas maganda ung story if d mo na linagyan nung aso, tae ng kalabaw, and kweba,,, dpat mas pinhaba mo nlng ung bandang naaksidente ung family mo.... but well , u did a great short story.... .

    h.s ka rin ba??
    3rd year hs ako sa HAU.. godbless

    ReplyDelete
  17. pahiram po ng akda nyo!salamat

    ReplyDelete
  18. i like your story..
    bumilis ang heartbeat ko sa part nung hindi nya mkita ang parents nya buti panaginip lang..hehe
    hope i'll read more of your stories..=D

    ReplyDelete
  19. Ang galing ng story, at nung gumawa. Hehehe

    ReplyDelete
  20. Pahiram po sa project sa Filipino

    ReplyDelete
  21. pgmit lng po nito ha as a course requirement ha..tnx

    ReplyDelete
  22. maganda ang infareness...hhahaha.
    goodluck.wala bang kontrabida...hahaha.jowk lang...

    ReplyDelete
  23. astig yung matanda. May future sight! Galing aman. Nice story.

    ReplyDelete
  24. gooooooooooooooooooooood story!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  25. wow ang ganda nman...it's really gooooood...just keep it up!!

    ReplyDelete
  26. pahiram po ng story sir

    ReplyDelete
  27. ayus ah!!
    naiiyak na nga ako sana tapos biglang isang sampal lang bak 2 da reality agad!! ha ha ha sana pedeng gawin un sa 22ong buhay!!

    ReplyDelete
  28. .thnk u paheram

    ReplyDelete
  29. ang haba .... alang kwenta .... kaya nga maikling kwento eh ... stupid ka ba ??! actually ok lang nman xa .. pero nxt tym make it short .. ukie .. :-)

    ReplyDelete
  30. ang ganda grabe ... nakka2 touch ... i cried u know ... as in duhh.. my tears are flowing until today ... by da way im andrea cervantes ...

    ReplyDelete
  31. wow>>astig ng kwento mo ah...keep up the good work!!!!nice story, you are a good writer..tnx requirements kasi namin 2>>>hehe..

    ReplyDelete
  32. so? inTeresTIng stORy...... and sOMe lITTle joKE fRoM thE end sTOrY............
    KUng aKo anG naSA kaLaGAyaN nYA mATUtULOG naLAnG aKU BUonG ArAW...... wahahhahah?
    PaHiRAm AKo....

    ReplyDelete
  33. they said it's sh0rt, why it is l0ng.???

    ReplyDelete
  34. @The person who said "they said it's sh0rt, why it is l0ng.???"
    Actually a short story is a story that can be finished in ONE SEATING, not based on how many paragraphs it has but based on the seating thing

    ReplyDelete
  35. okay siya,despite the spelling errors, it's fine. The story's end was unpredictable(for inexperienced short story readers). overall i'm gonna give it an 8 out of a perfect score of ten.

    ReplyDelete
  36. hahah... pahiram po ng peice niyo ... I need it for a project!!



    THanks!!!

    ReplyDelete
  37. Pahiram po ng story mo? di ko naman ippublish. and hindi ko naman ipapangalan sakin. Pwede? thanks po. kailangan ko po sa filipino eh, TY

    ReplyDelete
  38. thx.. ang galing naman, kahit parang simple lang..
    malawak ang kaisipan..

    GOOD JOB.!
    2 THUMBS UP!!

    ReplyDelete
  39. Isang magandang maikling kwento ... Nakakatawa....hahahahahha

    ReplyDelete
  40. :D aus na lang
    peram ah.. project sa FILIPINO nmin!

    [Dark]º

    ReplyDelete
  41. nice maxado...u ^__^

    ReplyDelete
  42. pahiram po nito.. thanks po..

    ReplyDelete
  43. awaw....ayus naman sya!!!

    ReplyDelete
  44. grbe.galing mo author... [2 thumbs up]

    kaso lng naiinis aq sa mga nagcocomment na, "its not short." FYI lng ha, gnito tlga ang maikling kwento, por que nabasa nyo na maikli iba na agad ang iniisip nyo...

    anyway phiram aq ha? project din nmin sa fil.

    keep up the good work! xD

    ReplyDelete
  45. ?,hi girl..pahiram ako ng short story mo..heehhe..natuwa naman ako sa sampal ng nanay sabay pagmomora nito sa anak..hehhe..

    may project kami,,nagandahan ako sa kwento kaya ito nalag ang pipiliin ko..wag ka sanang magalit,,mabilisan kC,,kakatamad nang gumawa..!!thank you..!!

    ReplyDelete
  46. ?,hi girl..!!
    nakakatuwa kwento mo..natuwa ako sa sampal ng nanay sa anak at sabay MOra n'to..hehehe..!!astig huh..

    by the way ..dahil sa nagandahan ako sa short story mo...ito nalang ang hihiramin ko..wag ka sanang magalit,,huh,,maeroon kC kaming mabilisang discussion para bukas na..naka assign ako sa maikling kwento..soo ito na 'to..kakatamad na kasing gumawa pasinxia na huh...!!maraming salamat..!!

    ReplyDelete
  47. pahiram muna po ng maikling kwento.
    for our homework .
    thanks.

    ReplyDelete
  48. hahaha... nakakatuwa to, kaso hindi ku alam kung anung aral ang mapupulot ku rito.. :)

    -MJOY

    ReplyDelete
  49. short ba yan ..?!

    ReplyDelete
  50. simple pero maganda :-* pahiram, pde ? :) hehehe . salamat . godbless Ü

    ReplyDelete
  51. hi there i like your story coz its nice..and if you dont mind can i borrow it please?thanks and can i ask if you have some tagalog novels i mean mga nobela coz we need to read one and we will have an exam about the novel that we've read already and i hope i can see more stories especially nobela here thanks for your help,,take care and godbless!!good work!thanks again..

    ReplyDelete
  52. wala na bang iba pa? tatlo kasi kelangan e

    ReplyDelete
  53. astig ung story mo.. pwd mahiram.. thnx ng madme.. ipapabasa ko lng nga mga bata tinuturuan ko.. salamat ng marami.. GOD BLESS U..

    ReplyDelete
  54. nakakatawa ng dala ng kwentong ito kah8 na parang kabitin naman, peo sa tingin ko ang aral dito ay hwag agad2x magasalita ng masama gaya ng nakasulat di2, " sinicc ang poong may kapal. haha, peo nice story..........frm ashma m.

    ReplyDelete
  55. nice story. thanks for sharing. keep it up! =)

    ReplyDelete
  56. pahiram muna po pls.may projeact po kc kame sa fil.

    ReplyDelete
  57. ang sarap basahin!!

    ReplyDelete
  58. borrow ko po story nyo thank you

    ReplyDelete
  59. ang gnda ng kwen2...!!!
    kmuha po ako d2 sa kwentong 2 kc kylangan lng sa project nmin s filipino...TNX. :)

    ReplyDelete
  60. what a nice story..galing mong dalhin ang isipan namin..sana 'wag na lang yung last..hehe..lesson to learned 'yun na dapat unahin ang family kaysa sa mga kaibigan..anyway continue doing some more..gudluck and godbless

    ReplyDelete
  61. ang ganda ng story mo., pahiram naman ha?! babasahin ko lng sa class namin,. salamat,. ang ganda talaga! keep it up!!! ";)

    ReplyDelete
  62. PESTE!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  63. Hi! pahiram din po ng kwento nyo... may activity po kasi sa Filipino at kwento nyo ang napili namin ng partner ko. :D
    Salamat!

    ReplyDelete
  64. ano ang nilalaman ng kwento????

    ReplyDelete
  65. pahiram po. tnx. project kc.

    ReplyDelete

Maraming Salamat Po!

online

Gesbuk