Mensahe:
Lubos po akong nagpapasalamat sa aking mga guro sa kanilang pagmamahal na ibinigay sa amin. Sa aking mga kaklase sa kanilang pagbibigay pahintulot na i-published ang kanilang mga maikling kwentong nagawa sa aming asignatura. Dahil sa kanila ay nabuo ang blog na ito.
Nais ko rin sabihin na ang batch namin ay grumadweyt na noong April 4, 2008.
Umpisa pa lang ito sa aming bagong tatahaking landas. Sana kung saan man kami makakarating ay hinding-hindi nila malilimutan ang kanilang mga sinulat na mga akda.
Para sa inyong mga tanong, komento lalong lalo na po sa mga spelling (typographical error) mag-email lamang po sa admin.mywebs@gmail.com para ma-check muli ng administrator.
Maaari ninyo na rin ako ma add sa friendster add: mark.obsioma@gmail.com .
Log on at my web page:
http://mark.obsioma.googlepages.com/
Maraming Salamat sa inyong suporta!
top
M.A.V.O.
Cagayan de Oro City, Philippines
============================================
CONGRATULATIONS:
THE DON CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARDS FOR LITERATURE WINNERS 2008:
FILIPINO DIVISION
Maikling KuwentoUnang Gantimpala: Maria Lucille G. Roxas, “Game Show”
Ikalawang Gantimpala: Lemuel E. Garcellano, “Anghel Kalahig”
Ikatlong Gantimpala: Rommel B. Rodriguez, “Kabagyan”
Maikling Kuwentong Pambata
Unang Gantimpala: Walang Nanalo
Ikalawang Gantimpala: April Jade B. Imson, “Si Karding at ang Buwaya”
Ikatlong Gantimpala: Allan Alberto N. Derain, “May Tatlong Kurimaw”
MABUHAY PO KAYO!
source:
google search
Friday, March 14, 2008
Ina, Ina Bakit Ninyo Ako Ginawa?
Ina, Ina Bakit Ninyo Ako Ginawa?
ni MAVO
Ina, ina, bakit mo ako ginawa?... Ito ang tanong ni Michael, isang walong taong gulang na batang lalaking lansangan na naghahanap sa kanyang ina. Ina bakit ninyo ako ginawa?
Ina bakit ninyo ako ginawa? Umiiyak-iyak si Michael nang aking ininterbyu noong Miyerkules ng hapon tungkol sa kanyang buhay kung bakit siya isang palaboy. Dapat sana ay nasa paaralan siya sa mga oras na iyon.
Ina bakit ninyo ako ginawa? Bakit ninyo ako pinapabayaan? Hindi ninyo ba ako mahal?
Nasaan na kayo ni itay?
Si Michael ay isang palaboy. Madalas siyang makikita sa labas ng MSU-IIT na nakikipagtakbuhan sa mga kapwa palaboy at minsan sa mga mag-aaral ng nasabing unibersidad sapagkat hinihipo-hipo niya ang mga babaeng mag-aaral kapag hindi ito nagbigay ng pera. Akala mo’y nakikipaglaro siya sa mga mag-aaral sapagkat may dalang tawa at ngiti kapag siya’y hinahabol. Ikaw’y magtataka kung kilala ba ng mga babaing ito ang batang si Michael. Minsan din ay kalaro niya ang mga kapwa bata na tila’y walang problema sa buhay. Mga batang musmos na dapat ay nasa paaralan nagbabasa at nag-aaral para sa kanilang kinabukasan.
Iniwan si Michael ng kanyang ina at ang lola at lolo na lang ang nag-aalaga sa kanya. Ang kanyang ina ay sinasabing nag-aabroad bilang domestic helper ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay. Ang ama naman niya ay iniwan sila ng kanyang ina noong nalaman buntis ito at hindi na nagpakita. Kaya tanong ni Michael, Ina bakit ninyo ako ginawa?
Ina bakit ninyo ako ginawa? Minsan tanong ng bata kung mahal ba nila siya. Sa mga oras na siya’y ginawa ay naisip ba nila ang hirap na kanilang papasukin. Mula sa mga ngiti at sarap, naisip man lang ba nila kung gaano ito ka sarap ay siya ring kahirap kapag siya’y lumabas na? Napag-usapan ba nila ang magiging kinabukasan ng batang naghahanap ng aruga ng isang ama’t ina? Mga tanong ng isang bata na nandiyan lamang sa kanyang isipan at sa kanyang pusong sugatan.
Paano na lang ang sinabi ni Rizal na na “Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan” kung patuloy at mayroong mga magulang na pinababayaan ang kanilang mga anak. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga batang walang kasalanan at nadamay lamang sa mga hangal na magulang. Kung hindi man lamang magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga anak, ang mabuti pa siguro’y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging anak . Dahil mahirap ang kanilang sitwasyon at mahirap na lumaki na walang mga magulang at ito'y mas masakit pa sa isang hiniwang bawang.
Ina, bakit ninyo ako ginawa?
Hi,
ReplyDeletePenster has a new website. It is http://www.pensteronline.com Please kindly update your link. Thanks.
Nice Post! I love the stories of your team.
ReplyDeleteang ganda naman
ReplyDeleteIm Very inspired, and I get some knowledge from the story...
ReplyDeleteNG PANANAW NYO
ReplyDeletekapag ginawa ang isang bagay dapat panindigan hindi dapat gumagawa ng paraan para mawala ang naging resulta ng ginawa. sa sinabi ng may akda sa bandang huli ng kwento ay di akma sa batas ng Diyos at batas ng lipunan.
ReplyDeleteMaraming salamat sa pagtangkilik sa blog na ito. pasensya na po na wala akong time ma edit ang ibang mga kwento sapagkat wala akong time and budget for that. i am just renting sa net cafe at talagang kapos sa pera. kung hindi sana nasira ung laptop na binigay ng isang British national (pinaglumaang laotp niya) may time sana ako na ma edit ang mga ito. dont worry kasi im planning to have my masters degree this summer para naman na makakahanap ako ng magandang work. makakabili na rin ako ng laptop sa mga oras na iyon (hahaha ambisyoso!) of course with ur help ay matutupad ito. through internet blogging po ay sabi nila magkakapera raw kayo. hehe i dont know if its true kasi wala pa naman akong natanggap na pera. hahaha
ReplyDeleteThanks and God Bless You!
M.A.V.O.
ganyan lang ba un kaikli?
ReplyDeleteganyan lang po an kaikli?
ReplyDeleteyour site looks "delicious" =)
ReplyDeletehope to be your friend.
I also propose we link up each other?
would you be open to this?
more blogging, more FUN!
do you know subliminal? "If you seek Amy" by Britney Spears, "If you see Kay" by the Script- now, go figure this trend :-))
ReplyDeletehello,
ReplyDeletethanks for dropping by...
y i am interested in exchanging links from our blogs.
as u said more blogging, more FUN!
email me at
admin.mywebs@gmail.com
or mark.obsioma@gmail.com
thanks you....
i have added you already!
ReplyDeletethanks so much!
yes! more fun! more blogging!
galing naman!
ReplyDeletehello pwede mahiram ang likha mo para sa project namin sa filipino plssssssss
ReplyDeletevery observant sa mga nangyayari sa kanyang paligid ang gumawa. magaling.
ReplyDeleteAng galing ng gumawa. Nagustuhan ko!
ReplyDeletenapakaikling kwento perosumasalamin sa isang hubad na katotohanan.tunay nga naman...sana maisip ito ng mga kapwako kabataan ngayon...wag sana tayong magpadalos-dalos at magpalupig sa tawag ng makamundong pagnanasa na panandalian lamang..totoo...marahilay masarapngang gawin yun...pero wala namang kapantay ang hirapna dadanasin mo pag nagbunga...lalung-lalona sa mga babae...isinilang tayo na nasa atin na ang likas na kahirapang hindi natin maikakaila...kapag nakuha na yun ng lalaki at sakali't nagbunga,..bigla ka na lang iiwan...at paminsan minsan,ang ganoong pangyayari ang nagtutuldok di lamang ng pangarap kundi ng buhay na din...maraming babae ang nagpapakamatay dahil lamang sa ganoong kasawian dulot ng isang pagkakamali.
ReplyDeletetandaan natin,tayong mga kabataan ang siya paring itinuturing na pag-asa ng bayan;kung gagawa tayo ng ganoong klaseng bagay na alam naman nating pangmatatanda lamang at hindi pa tayohanda,mangangahulugan ito ng pagbigo sa pangarap at pag-asa na nasa ating mga balikad..bukod dun,katuld ng sa kwento,magsisilang lang tayo ng isang buhay na malungkot,mapopoot at puno ng pagtatanong, bakit siya ginawa?.....
froi fernandez, 17 years old
frensenai26@gmail.com
bkt man kayo mag merg kung bloofspot man din ang url mo????????
ReplyDeleteilike it. very educational. i can use it for my filipino homeworks. if u want short stories in english u can visit this site.
ReplyDeleteInspiring Short Stories
Wala bng buod ito?
ReplyDeletepahiram lang po ako ng kwento niyo kailangan ko po ksi ito para sa aking proyekto. salamat po;]]
ReplyDeletePahiram para sa proyekto lang po
ReplyDeleteAno po an teoryang pampanitikan na ginamit sa likha mo? Salamat po.
ReplyDeleteMaganda po ang mga kuwentong nasulat ninyo. Hihiramin ko po ang iba para sa proyekto ko sa pilipino. SAlamat po!
ReplyDeletenakakainspire naiyak ako w0w nmn gawa pa kau ng maraming short stories para sa assign ko ehhehehe
ReplyDeleteHello
ReplyDeleteI think your weblog is very nice
I have lovely weblog in Persian but it has a translator...
I 'm waiting for your comment
Have a good time
What 's your idea about link each other?
ReplyDeletesure... let's link each other...
ReplyDeleteganda ng kwento hope makagawa ako ng tulad nito
ReplyDeletewhile i was reading this the first thing that come sa utak ko!!
ReplyDeletebakit may mga taong hindi iniisip ang magiging resulta ng panandaliang kaligayahan with out even saying to ther self if that is right basta makagawa lang kababalaghan na iba ang mag susufer!!
thanks po!
ReplyDeleteits a great help for me!
pahiram muna para sa proyekto ng husband ko sa Filipino
ReplyDelete"Kung hindi man lamang magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga anak, ang mabuti pa siguro’y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging anak . Dahil mahirap ang kanilang sitwasyon at mahirap na lumaki na walang mga magulang at ito'y mas masakit pa sa isang hiniwang bawang"
ReplyDeleteKinuha ko ang bahaging ito ng iyong kuwento sapagkat ikaw ang manunulat ikaw ang may kontrol ng lahat ng gusto mong iparating sa mga mambabasa ngunit tandaan mo rin kaibigan na tayong mga manunulat sapagkat isa rin akong manunulat ay may responsibilidad ng pagkatuto at budhi sa ating mga mambabasa, delikado ang mensahe ng huling bahagi ng iyong kwento tulad nga ng sinipi ko sa itaas kasi dito nagpapakita na talo pa rin ang anak, kawawa pa rin ang anak mas maganda siguro kung makataong sulusyon ang huling bahagi kesa brutal na sulusyon na "huwag ng buhayin" mas di makatao. Isang payo at rekomendasyon kaibigan ngunit mahusay ang daloy ng iyong kwento.Ipagpatuloy.
auzz lng! medyo boring
ReplyDeletemaganda na bali kaso, yung dulo ndi tama yun!........:P,,,,,,,,,,,tnx sa story ,,,may ass. na ako..hehehehe....
ReplyDeleteang ganda ng sturya!!!
ReplyDeletepero kailngan ko po ng
maikling kuwento na ang
mga mambers aya parating ng
uusap at ang narator!!!!
^_^ .,!!??
Good day po..sana maka gawa pa kayo ng maraming kwento na gamit ko yong maikling kwento mo sa project namin at nagustun ng teacher ko.thank you God Bless
ReplyDeletepagawa ng powerpoint na summary ni2...tnx
ReplyDeleteyes, i love your short story . nakarelate ako ? :) tama nga naman bakit pa tayo ginawa kung tayo din pala ang sisingilin sa kanilang mag kasalanan . ang sakit nga namang isipin na ikaw na ngatataguyod sa pamilya mo. ni hindi manlang mapahalagahan at mahalin . tnx for some'ones did this short story ... :)
ReplyDeleteanu po yung damdamin nasasaad sa kwento
ReplyDeleteIto pi ba yung buong kwento??
ReplyDeletemaganda po ang inyung istorya ng pagsasaad . maari nku ho bang mahiram ang ilan niyong mga istorya ?
ReplyDeletemasasabi ko lang po na maayos ang pagkagawa. oo, may aral at ipinamulat po ninyo sa akin kung ano ang pinagdaan ni Michael pero, hindi nyo po nakuha ang damdamin ko bilang mambabasa. kung nais nyo po'ng magtatak ito sa aking puso, dapat nyo po sana ipadama sa akin ang kanyang lungkot, ang kapaitan ng kanyang sitwayson at ang tunay na nangyari. kung kumakain ba sya ng tatlong beses bawat araw o hindi at iba pa. ipadama niyo po sa akin.
ReplyDeletemaganda po ang istorya. kaso lang po, gusto ko po pang magbasa pero, kulang. 'yan lang po, kulang. sana po naintindihan nyo ang aking gustong ilahad. :)
maganda ang outline ng story kaya lang parang kulang sa damdamin...its more like reaction nang nagsulat ang pumaibabaw, not the story itself...
ReplyDeletemaganda ang istorya
ReplyDeletemay aral kang mapulot
i like it...
ReplyDeleteMaganda ang kwentong ito.. Talagang mapupulutan ng aral.. Ang hindi ko lang mapagsang-ayunan ang sinabi mong "mabuti pa siguro’y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging anak", para ka na ding pumatay nun. Walang kasalanan ang bata, kasalan ng mgulang,ng magulang, ng bata kung bakit nagkaganun..Kung meron lang totoong pagmamahalan at pag-iintindihan sa loob ng Tahanan, wala sanang ganitong problema sa lipunan natin ngayon..Ktulad nlang sa isang kmersyal ng LUcky ME..Mabuting samahan ang Pamilya sa hapag kainan.Happy faMEALy Day..!:D
ReplyDeletemaganda ung kwento kaso di ako pabor dun sa hulihan na sabi " Kung hindi man lamang magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga anak, ang mabuti pa siguro’y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging anak ."...more kwento.
ReplyDeletemaganda ang kowinto......maraming aral tayong makukuha dito...makakabusog damdamin ang ang kowinto!!!.......maraming mga bata sa mundo na walang magulang sana hindi na ito dumami....mga tungkulin ng isang magulang ay dapat gawin...wag iwasan o parang wala lang kayong anak!...sana maraming pa kayong kowintong gawin na gunito rin..more stories to come..
ReplyDeletenice,,mai mapupulot na kaalaman
ReplyDeletena ang pagpasok sa ganoong sitwasyon ay hindi basta basta
dapat wag cnabi na Kung hindi man lamang magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga anak, ang mabuti pa siguro’y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging anak ."
ReplyDeletekc kasalanan yun that means ipapaabort???
WOW PARANG BOB ONG
ReplyDeletegrabe the bes t... ty may ass.. na ako
ReplyDeletenaka ispired ang kwentong ito....
ReplyDeletesimple pero maganda. diretso mong sinabi ang problema ng lipunang ito
ReplyDeleteKilala ko ang batang ito :) nag-aaral kasi ako dati sa IIT minsan na iinis ako sa batang ito dahil kapag hindi siya binibigyan ng pera ay binabato nya ako sa ulo :D ngunit ako'y na awa sa kanya :( ngayun ko lng nalaman.
ReplyDeleteBY: Miss Ail Riczel Pfleider Ganaden
maganda ang isturya nkakarelate naalala ko tuloy nung bata pa ako..pero di naman kami pinabayaan nang nanay ko.. ang tatay ko naman ang nagpabaya sa amin.. naandyan nga sya.. pero parang wala.. alam mo yun... pwede mo bang isulat ang isturya nang buhay ko..
ReplyDeleteTHANK YOU NG MARAMI MY [ASSIGNMENT] na ako!!
ReplyDeletesalamat sa maikling kwento..
ReplyDeletePagpalain ng Maykapal.!
Ang ganda at napaka meaningful ng mga words na Shinare mo. Napaka gandang topic para sa mga Kabataan :)
ReplyDelete- PAU
may sense ang kwento...pwede po maheram pra sa proyekto sa skul?...
ReplyDeleteanung year po ito naisulat? answer naman po please :|
ReplyDeletepahiram po .. para po sa assignment .. aknowledge ko nalang po name nyo :) salamat po
ReplyDeletei love it! really! i understand the theme of this story,..
ReplyDeletenuh ba yan ang ikli d ko magamit sa project namin sa filipino..la na ba itong ihahaba kahit konti,ganda pa aman..
ReplyDeletegara aman ang ikli sana madugtungan pa ito!!!
^^_good short story even im not understand it.:)
ReplyDeleteBleh
ReplyDeleteCan I use this for my Filipino HRR? It's purely an interesting story.. My teacher would be impressed.. :-D
ReplyDeleteI'll write recognition within the report..
interesado akong makinig sa story. nakaka-touch ito at sana ay tumatak ito sa ating puso't isipan lalo na sa mga magulang :))
ReplyDeletehahahah sir obsi ako napod mang hulam kai ikaw man nag pa ass. ani!! hahahahhahahahahahha
ReplyDeletejda23
i love the story,definitely good.
ReplyDeleteShare ko lang po iba pang maikling kwento:
ReplyDeletehttp://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/
.oo nga maganda sya.na estorya dahil totoo na nang yari ,,,,,,,,,,,,,,,i hope and PRAY,,,4 that boy na sana kaawaan sya ng diyos at may tutulong sa kanya.......sana ma realize din ng mga magulang nya na kailangan pla sa kanyang ang kanilang pag aalaga at pagpapa aral sa kanya.na kailangan ni micheal ang kanilang pag mamahal.......kac ginawa nla ung bata dapat alagaan din nila.......an din congratulation pala sa MSU IIT .sa pagtulong ninyo sa kapwa ninyo tga iligan......kaht pati kau affected sa nangyari nagawa nyo paring tumulong sa iba...........melanie po pangalan q nka punta n po aq jan isang beses nung tour namin............at may kakalac din aq jan.........
ReplyDeletehindi gano no..................////////////////]]]]
ReplyDeleteHi
ReplyDeleteI am an amateur photographer and public blogs. The site where he had closed and now I'm redoing. The photo of my people is:
http://zorita01.blogspot.com/
Those of my travels in Spain and abroad want to start redo and put a link on this blog.
Greetings from Spain.
Halu po.
ReplyDeleteAsking permission lang po. Pwede ko po ba ito i-post sa blog ko : (Maikling Kwento) ?
Sana po pwede.
Salamat po.
tama ang lahat ng nababangit at nakakarelate ang kwentong ito..very nice! keep the good work..
ReplyDeletethen i hope this is true story like my game cross fire and now i am now usa army then my rank is major general my gun is awp and 45 caliber and ak 47 rifle
ReplyDeleteI like this short story,... very educational:D
ReplyDeleteVery interesting, nakakatouch pa..!
ReplyDeletewww.tagalog-translator.com
This is great blog. The writing skill is excellent.
ReplyDeleteCongratulations
Keep it up
Cheers
David