do not copy


Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Mensahe:

Lubos po akong nagpapasalamat sa aking mga guro sa kanilang pagmamahal na ibinigay sa amin. Sa aking mga kaklase sa kanilang pagbibigay pahintulot na i-published ang kanilang mga maikling kwentong nagawa sa aming asignatura. Dahil sa kanila ay nabuo ang blog na ito.

Nais ko rin sabihin na ang batch namin ay grumadweyt na noong April 4, 2008.

Umpisa pa lang ito sa aming bagong tatahaking landas. Sana kung saan man kami makakarating ay hinding-hindi nila malilimutan ang kanilang mga sinulat na mga akda.

Para sa inyong mga tanong, komento lalong lalo na po sa mga spelling (typographical error) mag-email lamang po sa admin.mywebs@gmail.com para ma-check muli ng administrator.


Maaari ninyo na rin ako ma add sa friendster add: mark.obsioma@gmail.com .


Log on at my web page:

http://mark.obsioma.googlepages.com/



Maraming Salamat sa inyong suporta!

top

Administrator,
M.A.V.O.

Cagayan de Oro City, Philippines

============================================

CONGRATULATIONS:

THE DON CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARDS FOR LITERATURE WINNERS 2008:

FILIPINO DIVISION

Maikling Kuwento
Unang Gantimpala: Maria Lucille G. Roxas, “Game Show”
Ikalawang Gantimpala: Lemuel E. Garcellano, “Anghel Kalahig”
Ikatlong Gantimpala: Rommel B. Rodriguez, “Kabagyan”

Maikling Kuwentong Pambata
Unang Gantimpala: Walang Nanalo
Ikalawang Gantimpala: April Jade B. Imson, “Si Karding at ang Buwaya”
Ikatlong Gantimpala: Allan Alberto N. Derain, “May Tatlong Kurimaw”


MABUHAY PO KAYO!

source:

http://www.geocities.com/palanca_awards/2008.html

copyscape

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

google search

Wednesday, 12 September 2007

Kahirapan, Nasaan Ang Kaligayahan

Kahirapan, Nasaan Ang Kaligayahan
ni Lonnie Perocillo

Lahat ng tao sa daigdig ay may iba’t ibang pangarap, mga mithin, karanasan, pag-uugali at prinsepyo sa buhay. Ang buhay na ibiniyaya ng Diyos sa tao ay nasa puso. Ang buhay na ito ay nararamdaman sa pamamagitan ng pintig. Ang damdamin ay nasa lahat ng bahagi ng katawan. Ang diwa ang siyang nag-iisip sa lahat ng ginawa ng tao. Ang budhi at kaluluwa ang siyang pumapatnubay at umaayon sa lahat ng iniisip, dinaramdam, ikinikilos at ipinapasya ng tao. Kung ito man ay mabuti, masama o labag sa kautusan ng Diyos siya na ang bahala.
Ang tao ay hinubog sa anyo ng kanyang sarili at ipinagkaloob ang lahat ng katangiang napasakanya upang siya ay maging matibay, hindi marupok. Upang siya ay maging matatg sa harap ng tukso sa lahat ng sandali.
Huwag sabihin na siya nay tao lamang kaya siya’y mahina sa tukso. Huwag sasabihin na hindi siya makaiwas sa pagkakamali sapagkat ang pagkakamali ay likas sa tao. Huwag ding sasabihing siya’y aasa na lang sa kapalaran, Diyos na ang bahala at pagkatapos, siya ay magkakasiya na lamang sa ano mang mangyari. Ang ganoong ugali ay tiwali at labag sa kagustuhan ng Diyos. Ang tao ay pinagkalooban ng Diyos ng buhay, damdamin, diwa, budhi, at kaluluwa upang siya ay makapag-isa at makapagsarili sa daigdig na ito. Ang mga ito ay dapat niyang gamitin sa pagharap at pakikibaka sa buhay. Ano man ang iyong magiging kalagayan, ano man ang iyong magiging suliranin, ang mga ito ay gagamitin sa paglutas sa mga bagay na susubok sa iyong pagkatao.
Bilang isang tao ay may marami ding mga pangarap sa buhay. Mula nang siya’y musmos pa, ay pinangarap na niyang maging mabuti, mabait, at isang alagad ng Diyos, at siyempre ang makatapos sa pag-aaral at makakuha ng mabuting trabaho na kahit maliit lang ang sahod ay nakakaahon din sa kahirapan. Dahil sabi nila, “hindi ang pagtaas ng tungkulin o sahod ang tunay na tagumpay sa buhay kundi ang pagkakaloob sa kapwa ng iyong tampok na talino at pagpapakasakit”. Ito ang kanyang prinsepyo sa buhay.
Noong siya,y ipinanganak sa Cabadiangan Kadingilan Bukidnon sa taong 1987, Enero 26, sa panahong nagbabagahan ang giyera, doon nagsimula ang kwento ng kanyang buhay. Sa mga nag-iigtingang galit ng mga tao, sa kaguluhan ng kapaligiran, sumabok ang isang pook na puno ng kalungkutan na dati’y puno ng kasiyahan kaya, sila’y napadpad sa lugar ng Iligan na kung saan sila ay naninirahan. Nagsimulang namuhay at nakikisalamuha sa mga taong nakapaligid hanggang siya’y lumaki’t nagkaron ng kamalayan at nag-aaral ng Grade I.
Noong nag-aaral siya ng Grade I, ni kahit iisang peso ay wala siyang baon. Sa tuwing break time, naglalabasan na ang mga kaklase niya,t nagsipag-kainan sila sa kanyang tabi ng mga masasarap na pagkain, samantalang siya naman ay nasa tabi nila, nanonood at nakikinig sa kanilang mga usapan.
Arceli: O!.. Lonnie, bakit ka nandiyan? Hali ka! Sabay tayo. Anong kakainin mo?
Lonnie: Ha?..Hindi, okey lang ako dito. Busog pa ako.
Arceli: Sige na samahan mo ako, ako lang mag-isa e…Huwag kang mag-alala ililibre kita.
Lonnie: Ikaw naman…mahiya na ako sayo. Sige na nga! Salamat ha?......
Nararamdaman niya ang hirap ng kanilang buhay. Alam niyang siya’y kabilang sa mga mababang uri ng lipunan kaya hindi siya mapalagay na sumama sa mga kaibigan niyang nasa mataas na uri.
Mahirap talaga ang buhay nila. Ang mama niya ay nasa bahay lamang, nagtitinda ng kaunti, at ang papa niya ay isang construction worker. Anim silang magkakapatid at si Lonie ang panganay. Pero sa tulong ng Diyos, kahit na mahirap sila ay nakakaraos din. Nakapag-aral din silang magkakapatid dahil rin sa tulong ng ante nila.
Mula nang siya’y nakapagtapos ng elementarya sa Kabacsanan Elementary Schol, pumunta siya sa Cagayan upng doon niya ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Doon siya nakatira sa bahay ng kanyang lola at lola niya ang nagpapaaral sa kanya. Pinapaaral siya ng first year high school sa Cugman Anex High School Cagayan De Oro City.
Magaan na sana ang pakiramdam niya doon kasi nag-volunteer ang lola niya na siya ang magpapaaral kay Lonnnie hanggang sa kolehiyo. Ngunit sa kasamaang palad, nagkaroon ng conflict ang relasyon ng papa niya at ang lola niya, kasi nagseselos ang ibang kapatid ng papa niya kay Lonnie kung bakit raw siya pinapaaral ng kanyang lola na tungkulin sana ng mga magulang niya ang pagpapaaral ng kanilang mga anak.
Jeje: Ma! Bakit ikaw ang gumastos kay Lonnie? Dagdag lang iyan sa mga problema mo!
Reme: Ay!...sige lang! kawawa namang hindi siya makatapos sa kanyang pag-aaral. Tutulungan na lang natin dahil hindi kayang tustusan ni Nestor ang mga anak niya.
Jeje: pero ma?..Hindi ako papayag! Napaka-unfare naman!
Reme: Pero wala natayong magagawa! Nandito na si Lonnie! At kagustuhan kjo rin na tulungan ko siya!
Jeje: Basta! Hindi ko gustong ikaw ang gumastos sa kanya!
Masyado talaga silang mapagmataas, kaya sila ganito, dahil sa lahat ng kapatid ni Nestor, si Nestor lang ang naghihirap at siya din ang may maraming mga anak. Pero mabait naman si Nestor, masipag, mapagmahal sa aswa’t anak. Mas mabuti pa ang ibang tao kaysa sa mga kapatid ni Nestor. Hindi nila alam na ang buhay ay weather-weather lang.
Nakasalalay ng Maykapal ang buhay ng tao. Siya lamang ang may kapangyarihang bawiin ito. Maaaring buhay na buhay ka ngayon, maligayang nakikipagsaya sa kapwa mo, ngunit di mo inaasahang sa isang iglap ay binawi ng Panginoon ang ipinahiram Niyang buhay sa iyo, kaya kailangang maging handa sa lahat ng sandali. Kung kaya mong magpaligaya sa kapwa mo, gawin mo habang ikaw ay nabubuhay. Maging bukas ang puso’t damdamin sa mga taong nangangailangan. Anong malay mo, baka bukas ay kunin Niya ang buhay mo. Lahat ng tao. Bata, matanda, binata,, dalaga, may asawa o wala ay dapat maging handa sa ganitong pangyayari.
Mula non umuwi si Lonie sa Iligan. First year high school lang ang natapos niya doon, at doon siya nagpatuloy sa kanyang pag-aral sa Iligan City National High School.
Simula non, inerekomenda siya ng kanyang kaibigan ni Dr. Alita T. Roxas, Dean ng CBA ngayon. Kasi na rin sa kaibigan niya ay working student din sa kapatid ni Dr. Roxas na si Wenny Isla isang Dr. din ng Math sa CSM.
Sa kabutihang palad, siya’y napunta sa napakabait at napakaunawaing tao na si Dr. Roxas. Sa tooo lang, natatakot siya dahil hindi pa niya alam ang kanyang gagawin, pero sa kalauna’y natutunan din niya. Sa tuwing nagkamali siya, hindi ito pinagalitan ng kanyang amo. Itinuturing din niya itong pangalawang magulang at tinuturing din siya bilang isang anak. Samakatuwid, bahagi na siya ng kanilang pamilya.
Nasa ikatlong taon siya noon sa high school. Nag-aaral siya sa gabi at pagkaumaga ay nagtatrabaho. Sa totoo lang mahirap talaga ang working student dahil kailangan mong unahin ang mga gawaing bahay, kung ano ang iutos ng amo ay kailangang sundin o gawin agad at saka na mag-study kung tapos na lahat ang mga gawain. Pero sa kabila ng lahat, nalampasan din niya. Minsan kahit naglalaba siya, at the same time nag-aaral lalo’t na’t may exam. Pero ang mga paghihirap na kanyang naranasan ay nagbubunga naman. Sa awa ng Diyos siya’y nakatapos ng high school.
Nang nagsimula na siyang nag-aaral sa kolehiyo, tumitindi ang kanyang paghihirap. Makakatulog siya ng alas 2:00 ng gabi dahil nga sa may marami pang mga aasikasuhin, magpaplansa pa ng mga uniform at pagkatapos mag-aaral. At kailangan pa siyang gumising ng maaga upang magluto ng pagkain at maglalaba.
Ang pinakaayaw lang niyang trabaho ay magplansa. Dahil para sa kanya iyan ang pinakamatagal niyang matapos na trabaho. Aabutin siya ng siyam-siyam, dahil ayaw na ayaw ng kanyang amo ang damit niyang kahit may isang gusot. Ipapaulit talaga niya. Minsan nga tumutulo na ang kanyang mga luha sa daming paplansahin lalo na’t ang pinakamarami ay damit sa kanyang among babae. Hindi niya mapipigilan ang kanyang sarili sa pag-iyak lalo na’t pagod na pagod siya at kailangan talaga niyang mamalansa, at nagkataon pang may exam siya pagkabukas sa Math 1, at tuluyan na siyang nabagsak. Pero kasalanan din niya ang nangyari dahil sinabihan siya ng kanyang amo na sa araw ng may exam siya, hinding hindi siya magtatrabaho, pero ang tigas ng kanyang ulo sa kadahilanang mahihiya siya kung wala siyang gagawin sa loob ng isang araw.
Minsan may mga problemang dumating. Ang prolema ay bahagi ng tao. Ito ang tulay ng tao tungo sa kanyang kinabukasan. Pero sa lahat ng mga probemang dumating sa kanyang buhay ay nalampasan din niya ito, minsan nga nawalan siya ng pag-asa dahil akala niya di niya ito kaya
Nanatili si Lonnie sa kanila hanggang sa ikatlong taon sa kolehiyo pero ngayon wala na siya sa kanila, nagpapaalam siya ng mabuti n asana maunawaan nila ang hirap na nararamdaman ni Lonnie, at nais na niyang magpahinga. Kaya ang Ante na lamang ni Lonnie ang nagpapa-aral sa kanya ngayon sa kadahilanang naawa ito sa kanya.
Ngayon ay malapit na siyang makatapos sa pag-aral pero hindi pa niya masasabing siya’y nagtatagumpay dahil hindi pa niya alam ang takbo ng kanyang buhay. Kahit magiging guro na siya o kaya’y isang punong guro o tagapagmasid ay hindi pa niya masasabing siya’y nagtatagumpay. Nalalaman niyang ang tagumpay ay maaari lamang niyang makamit kung ang layunin niya sa araw araw ay dakila, kung dapat siyang magmahal at minahal naman ng mga batang kanyang tinuturuan sapagkat nakikita niya sa kanila ang tampok na larawan ng Diyos, kung siya ay naging mapalad at maipagkaloob sa kanila ang tumpak na hiyas ng kanyang talino at mga pagmamalasakit, at higit sa lahat kung siya ay tapat sa kanyang layuning mabuksan ang kanilang kaisipan na katulad ng sa kanya ay kumilala, naglilingkod at dumarakila sa kanya.
..

43 comments:

  1. very long to ahhh!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. may kwento po ba kayo na tatlo lng ang tauhan

    ReplyDelete
  3. woooowwwwww.....wla n bang mas maikli?bukas n deadline ng clearance nmin eh..requiremnt yan :(

    _lau

    ReplyDelete
  4. akla q buh maiklilhg kwento??bk8 ang haba?hehehehe.....choks lng puh...

    ReplyDelete
  5. medyo mahaba pero ok naman kaya lang short story lang talaga hanap ko.thank you anyway. more power sa writings mo.

    ReplyDelete
  6. plss sa monday na po toh kailangan ko ng maikling kuwento!! masyadong mahaba po kac yan eh.. peace po tau =DD

    ReplyDelete
  7. walang talambuhay nung sumulat? waah?!

    ReplyDelete
  8. sana sa susunod may gintong aral, pinangyarihan at tauhan .. hahaha .. para wala na akong gagawin copy + paste na lang . hahaha

    ReplyDelete
  9. wla po bang mas maikli

    ReplyDelete
  10. ang haba... dba maikling kwento lng....ngunit nakaka touch tlaga coz is reallity of our lyf...tnx sa author nito..

    ReplyDelete
  11. sabi niyo maikli to? hindi pala!

    ReplyDelete
  12. Christian Dave Domingo7 October 2010 at 8:15 PM

    Kailangan ko po ng profile ng may akda eh, kung saan at kailan po siya ipinanganak san siya nagtatrabaho.

    ReplyDelete
  13. ang haba,but the whole content serves us inspiration...

    ReplyDelete
  14. .. aLa n Bang mas maikli d2 ?? ung buod lng n2 need ku eh.. bkas n psahan ng proj. yari aku n2 ky mrs. jOma

    ReplyDelete
  15. hAba nmn ! MAikling kWento nGa dba?! nSan nA uN maikli DUn?!

    ReplyDelete
  16. good,nice work... <3

    ,keep it up!

    ReplyDelete
  17. pahiram po ng maikling kwento niyo.. tapos d naman po mahaba? may short story kaya na 5 pages long..

    more power po at thanks... pang report po kasi..

    ReplyDelete
  18. ANG HABA NMAN ! .. bkit maikling kwnto ang site nto !.. waaa :p peace :))

    haba ee .. asan ang buod?

    ReplyDelete
  19. meron po bang buod ito?

    ReplyDelete
  20. MAHAL NA MAHAL KO C PAPA KO MMMMMWUAH

    ReplyDelete
  21. ang haba!!...sana next time maikli naman..heheh:)) pero maganda ang message niya, yun nga lang ang kailangan ko TALAGANG maikling kwento....hehe c=

    ReplyDelete
  22. meron kau ung 6 paragraphs lng????

    ReplyDelete
  23. more power sa author, sana maging kagaya ko sya, mahilig din kc aqong magsulat ng maikling kwento pero minsan dq tinatapos kc nauubusan aq na salita, haha, godbless

    ReplyDelete
  24. ang lupet ng writers,,sana makagawa ka pa ng ganitong short story , kaya lang short story bket long.. jowk..

    ReplyDelete
  25. saan ang bood nito

    ReplyDelete
  26. napakaganda ng kwento
    nakakainspire...

    ReplyDelete
  27. ang ganda.. sana maging mahusay din ako sa pagsusulat.. balang araw,.. ;))

    ReplyDelete
  28. nice!MY PROJECT NQ s Filipno!!!hahaha

    ReplyDelete
  29. pota haba nyan bobo kasi ang guMAWA!!!!!!!!

    ReplyDelete
  30. okay siya maganda ang mesage..
    god bless...

    ReplyDelete
  31. HAi... Dula pwde po ba yan

    ReplyDelete
  32. wala na bang mas hahaba pa dyan????......

    ReplyDelete
  33. wala na bang mas mahaba pa dyan??..........dapat buod lang ,,,,,nobela na yan ee............hehehe

    ReplyDelete
  34. maikli nadin kaysa sa ibang nabasa ko. hehe ^^

    Godbless :) write more stories :)

    ReplyDelete
  35. magandang kwento ito dahil tungkol ito sa kahirapan ng isang tao.

    ReplyDelete
  36. short story ba naman 'to??

    ReplyDelete
  37. sooooo????????? inggit kaH???? y wont u try to make ur own

    ReplyDelete
  38. Mapapansin ang pagkakamali sa pagtype ng bawat salita ngunit dama q ang mensahe ng may-akda sa bawat salita nya.

    ReplyDelete
  39. so enteresting ! ;)

    ReplyDelete
  40. interesting story...full of moral values that needs of every person to face the word now until forever

    ReplyDelete

Maraming Salamat Po!

online

Gesbuk