Mensahe:
Lubos po akong nagpapasalamat sa aking mga guro sa kanilang pagmamahal na ibinigay sa amin. Sa aking mga kaklase sa kanilang pagbibigay pahintulot na i-published ang kanilang mga maikling kwentong nagawa sa aming asignatura. Dahil sa kanila ay nabuo ang blog na ito.
Nais ko rin sabihin na ang batch namin ay grumadweyt na noong April 4, 2008.
Umpisa pa lang ito sa aming bagong tatahaking landas. Sana kung saan man kami makakarating ay hinding-hindi nila malilimutan ang kanilang mga sinulat na mga akda.
Para sa inyong mga tanong, komento lalong lalo na po sa mga spelling (typographical error) mag-email lamang po sa admin.mywebs@gmail.com para ma-check muli ng administrator.
Maaari ninyo na rin ako ma add sa friendster add: mark.obsioma@gmail.com .
Log on at my web page:
http://mark.obsioma.googlepages.com/
Maraming Salamat sa inyong suporta!
top
M.A.V.O.
Cagayan de Oro City, Philippines
============================================
CONGRATULATIONS:
THE DON CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARDS FOR LITERATURE WINNERS 2008:
FILIPINO DIVISION
Maikling KuwentoUnang Gantimpala: Maria Lucille G. Roxas, “Game Show”
Ikalawang Gantimpala: Lemuel E. Garcellano, “Anghel Kalahig”
Ikatlong Gantimpala: Rommel B. Rodriguez, “Kabagyan”
Maikling Kuwentong Pambata
Unang Gantimpala: Walang Nanalo
Ikalawang Gantimpala: April Jade B. Imson, “Si Karding at ang Buwaya”
Ikatlong Gantimpala: Allan Alberto N. Derain, “May Tatlong Kurimaw”
MABUHAY PO KAYO!
source:
google search
Thursday, March 13, 2008
Baleleng
Baleleng
ni MAVO
Nangulit ang katanungan sa taas nang makilala ko ang bago kong kaibigang si Baleleng. Siya ay 18 taong gulang at isang dalaga. Nakilala ko siya bilang isang masayahing bata sa may tindahan. Pakiwari ko sa kanyang pananalita ay mas matanda pa siya sa akin, sa kanyang karanasan at sa kanyang maturity.
Nang sumama ako sa kanya napag-alaman kong sa murang edad ay hindi man lamang siya nakatungtong ng pag-aaral. Naglalakad kami at nagkukwentuhan sa daan. Hanggang sa napagod. Kaya umupo kami sa may isang malaking bato na nasa tabi ng daan. Maraming mga sasakyan na dumadaan. Dahil nga sa napahanga ako sa aking bagong nakilala ay hindi ko man lang napansin ang mga taong nakasakay sa mga sasakyan. Pero nakikita ko sila na para bang kumakaway sa aming dalawa.
Hindi naman sa na love at first sight ako sa aking bagong kaibigan, kung hindi ay talagang napahanga lang ako sa kanya. Ewan ko bah! Pangiti-ngiti pa nga ako sa kanya na tila parang nakatingin sa mga paru-paru sa aming bakuran. Sabay tawa, pa smile-smile hehe. Of course, dahil sa cute raw ang mga dimples ko ay kailangan ko talagang ipakita ang asset ko. Para bang nagpapaimpres sa kanya. Hehe nakakahiya naman. Hehe
Oo nga pala, si Baleleng ay isang katutubo na nakatira sa Manolo Fortich. Isang grupo ng mga katutubo sa Bukidnon. Ngunit kapag tingnan mo si Baleleng ay parang hindi mo aakalain na isang katutubo. Hehe nagulat kayo noh?
Ok balik tayo sa aming kwento. Isinalaysay niya ang kanyang buhay sa akin. Naantig naman ako sa kanyang sinabi. Naawa at nagagalit sa taong umaabuso sa kanya at sa kanilang mga ka-tribu.
Imbes na nag-aaral, imbes na nakapagaral, imbes na nag-iisip ng kinabukasan, hindi edukasyon ang kanyang namana sa kaniyang pamilya. Namana niya ang pinaglalaban ang pinagpipilitang karapatang kanila naman talaga subalit kinakamkam ng iilan. Mga mayayamang tao na hindi naman taga roon sa kanila. Dahil sa may mga pera ay nakuha nila ang mga lupa na para sa kanila. Di ko mapigilang manlambot at maiyak sa kanyang salaysay.
Isa lamang sila sa mga katutubong pinagkaitan ng mga mayayamang tao sa ating bansa.
Sa pakikipag-usap ko sa kanya ay napatingin naman ako sa mga taong dumadaan. Hmmm hindi ko alam kung bakit lahat sila ay parang may gustong sabihin sa aming dalawa. Binalewala ko na lamang kasi sa buong akala ko’y naiinggit lamang sila sa aming dalawa.
Hindi mo naman tipong ikakahiya si Baleleng dahil sa hindi naman siya mukhang katutubo. Hehe. Ah basta maganda siya. Sa tingin ko ay hindi siya puro katutubo, kung baga half o mixed blood siya. Siguro ang ama niya ay katutubo at ang kanyang ina ay hindi.
Dahil sa medyo mainit na ang panahon at ako may palaging dala-dalang payong sa bag (Boy scout daw! Hehe). Kinuha ko ito at amin itong pinagsasaluhan habang nakaupo sa may malaking bato na nasa gilid lang ng daan.
Napatingin na naman ako sa mga taong dumadaan. Ewan ko ba kung bakit parang mayroon silang gustong sabihin sa aming dalawa.
Kaya ay ipinagpatuloy na lang naming ang aming paglalakad. Ihahatid ko siya sa kanilang bahay dahil ako’y isang gentleman. Hehe.
Nang nakarating na kami sa kanilang bahay. Ang kanilang lugar ay walang tao. Napakatahimik naman. Hindi naman ako natatakot dahil sa alam kong walang multo na lalabas tuwing tanghali. Gusto niya na sumama ako sa kanya sa loob. Medyo kinabahan ako dahil nga sa walang tao sa aming paligid.
Napahanga ako sa kanila kasi first time kong makapunta sa ganitong uri ng lugar. Nakaupo kaming dalawa sa sahig habang patuloy na nag-uusap. Bigla akong kinabahan dahil sinabi niya na gusto niyang humiga dahil sa masakit ang kanyang ulo at siya’y nagugutom. Pati nga rin ako ay nagugutom rin sa paglalakad. Ginawa pa niyang unan ang aking mga paa. Na parang isang asong napapalibutan ng maraming buto na kakainin.
Nang biglang dumating ang kanyang ina at sabay sabing “Naku dong pasensya ka na sa anak ko.”
“Ha?” sagot ko naman.
“Ay sorry po ma’am. Wala naman po akong masamang balak sa anak mo. Siya pa tong humiga sa aking mga paa. Pasensya po. Wala po talaga akong masamang balak.”
“Alam namin iyon. Ano kasi dong… May pagkabaliw ho yan.”
“Ha? Oh c’mon!” Biglang napa-Ingles yata ako.
“Kaya yan nakahiga ay gutom na kasi iyan. At kung hindi ka naming naabutan ay baka kinagat ka na niya. Kapag gutom iyan ay nangangagat iyan ng tao. Kaya nga lahat kami dito at pati na ang mga kapitbahay namin ay sama-samang naghahanap sa kanya. Dahil hindi naming gusto na may mabibiktima siyang tao.”
Dagdag pa ng ina niya na, “Pagkatapos naming kumain ng almusal ay hindi namin namalayan kung saan siya pumunta. Kapag gutom na iyan ay saka na siya nagiging baliw.”
Nang marinig ko iyon ay bigla akong tumakbo papalayo sa kanila. Natakot at nabigla.
Tang-ina! Kaya pala hindi siya nakapag-aral ay dahil sa kanyang karamdaman. Bigla ko na lang naalala ang lahat ng taong nakakita sa aming dalawa, noong nakaupo kami sa may malaking bato ay para bang may gustong sabihin.
Iyon na pala ang ibig nilang sabihin…. Na baliw ang kasama kong babae.
hi,
ReplyDeletemaganda yong pagkakagawa mo ng maikling kwento, talagang makata ka....isa akong teacher sa isang unibersidad dito sa southern leyte... pwede humingi ng favor?hehehe...kailangan lang talaga, pwede bang mag-feature ka about sa KULTURANG POPULAR? plssss. thanks
God Bless!! sana maramo ka pang magagawang maikling kwento na kung saan makatutulong sa mga tao at magiging inspirasyon nila sa pang-araw-araw na pamumuhay...
eto nga pala ang email add q: saviorsgun@yahoo.com
raymond ang pangalan q.
ang panget ang haba makling kwento nga dba ???
ReplyDeletebakit mhba sus koh poh
hindi naman ganoon kahaba diba??
Deleteang galing nyo pong mag-sulat, naramdaman ko po yung gusto nyong iparating. Ayoko ko lang po nung may bad words sa dulo. Paki tanggal naman po yun next time na magsususlat uli kayo. Masuwerte po kayo at binigyan kayo ni God ng ganyang talent. Gust ko rin pong matutong magsulat. Ganbatte!
ReplyDelete..well hi im kimiko...im an editor in chief in our school paper org. as i can see to your work, it was good and i love it...especially the part that u found out dat dat girl is crazy wahahaha...thnx 4 a nice story..
ReplyDeleteAt first, I was interested in your title but when I started reading this I got confused because you have a wrong spelling(site 'diba dapat sight?). Siguro dapat ire-read mo yung letters mo pagkatapos mo ito i-type. Kasi nung binasa ko yung isa mong story eh.. may mga mistakes din..
ReplyDeleteHindi ito pamimintas kundi ito ay isang advice para makagawa ka ng isang magandang story. By the way i'm a first year HS student kaya medyo perfectionist ako pagdating sa mga ganitong klaseng kuwento. sige thanks and God Bless you!...
nakakatawa po siya! hindi katulad ng ibang mga maiikling kuwento na seryoso....pakitanggal na lang po ang mura sa dulo kasi may mga bata pong bumabasa nito...yun lang po thank you very much!malaking tulong na ito sa aming mga estudyante!
ReplyDeletebakit ganun..
ReplyDeletemay mura..
kelangan talaga??
hindi naman cguro pambata tong kwentong to noh? me mura sa kwento eh. ok na sana
ReplyDeleteMarunong ka ba talagang gumawa ng maikling kuwento? Eh sa pagsasalaysay mo, parang walang dating sa mga mambabasa..... Kung gagawa ka pa ng kuwento mo, gandahan mo.... di tulad niyan.... Hindi naman talaga pampanitikan yung ginawa mo eh... kuwentong kalye.... Hindi ko naman gustong laitin ang ginawa mo.... Pero sana sa kinabukasan, matututuhan mo ring masulat ng may sense......
ReplyDelete..di nman porket short story eh maikli na.. duh.. ganda ng gnwa mu michael:) congrats..
ReplyDeletetnx po sa mga maiikling kwento,nakatulong po sa projects ko sa filipino,sa paggawa ng lingguhang suring basa.favor lang po kung pwede po sana yung maikli-ikli nmn pong kwento kc ang hirap pong ibuod pag mahaba.pag maikli po kc hindi ko na po binubuod.un lang poh tnx.
ReplyDelete...HAHAHAHA!!!! GRABE TALAGA! PINATAWA MO AKO....SUBRA! THANX FOR THIS STORY...NAKAKATAWA! ^_^
ReplyDeletehahaha.. ang pangit
ReplyDeletehai..........maganda yong pagkagawa mo kahit di ko pa nabasa jijijijiji
ReplyDeletenice story...
ReplyDeletemaikling kwento ba yan? baka mahabang kwento yan
ReplyDeletehhahaha.. ang galing naman.. akala ko love story yunf ending!!! :] hahahahahaha nakakatawa ka talaga,, true to life ba yun??? :)))
ReplyDelete.......ti,,,,,anu gid tana kung laba......does it matter?...............intndhin nyu nlng gud......daw mga illiterate nang mga naga-hambal nga pangit.......palibhasa hnd kau marunong mag-appreciate ng mga gawang magaganda...................basta MAGANDA cya..................
ReplyDeletebakit, lumilipad ba ang flying fish?
ReplyDeletekaya nga tinatawag na flying fish diba kasi lumilipad nga....gets???
Deletethe story is reEaaAlly funny...i never thought it would end that way...although i do feel like the 'mura' is somewhat out of place...nice work, man..
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletepag mahaba ang kwento it doesnt mean na maikliing kwento sya from the word itsle "maikli" pero it is a story where napapahayag mo o naiikwento mo ang isang damdamin ng isang tao :?
ReplyDelete......
ReplyDelete"I try to add it up... but it wont..." Parang binigya mo ako ng susi para sa pintuan pero hindi kasiya...
it's not funny... the way some of you are laughing >_> how can u tell if someone lost it just by passing by? And how does hunger = mad person add up? Is that even possible? It just wont add... Im sorry. I mean if the problem is hunger, then why dont just give her something to eat... and with all the "hehe's" it's creepy... makes it sound like the persona has something evil in mind or... is the one thats baliw. Or did I just hit home by pointing that out?
Nakakatawa, pero iwasan natin mag salita ng di kaaya-aya.. para maging kapakinabangan ito sa mga mambabasa, lalo na sa mga bata. Mas paghusayan mo pa.. Godbless!
ReplyDeletenice story! i appreciate you "being realistic" with your words but if you may, try to be as formal as you can be. oh, and eto napansin ko lang ah....i read the comments tapos ung anonymous na nagcomment( i think 2nd comment), hindi ata alam ang short story. A short story can be as long as 10 pages for all i care as long as its not that detailed like a novel. Take note of the last part, sana sa pinaka ending mo na sinabi na Crazy o baliw ung girl para mas may impact-And by that i mean sana hindi mo dinescribe si baleleng bago mo sinabi na baliw sya...and 2nd to the last comment, being hungry for a person with a unique syndrome can trigger his/her way of reacting to it. so it is possible na pag gutom pede ma baliw ung tao.. it depends naman sa tao eh...i cant think of any other ways to see what i want to see, but thats the whole meaning of JUST commenting:P Anyway... keep writing and dont let negative comments pull you down...trust me, iv'e taken worse... anyway, ganda mo gumawa. I'm just a 3rd yr HS and a writer in our school so i comment a lot lol:))
ReplyDeleteomg! ang hahaba nmn po ng MAIKLING KWENTO nyo,,
ReplyDeletehihi.. :"> pero,, magaganda nmn ang story.,, kip it up,,
hi ...nice story..kaso nakakabiting nga lng...
ReplyDeleteoo nga bobo ang bumasa nito maikli nga eh
ReplyDeleteang haba kaya try moh
ang gaganda naman ng story niyo pero sabi niyo
ReplyDeletemaikling story lang bakit ang haba-haba nakakapagod basahin nakakatamad
kala ko bakla ung gurl ,baliw pala!!hehe
ReplyDeleteenewi, nice story ! nkkabitin! keep it up!!
now,i hav an idea<<>><
pre maxado mahaba ang kwento di makukuha ang buod nito
ReplyDeletemaxado magulo ang kwento mo
anu namn ang mapupulot mong aral d2!!
ReplyDeletemay kapupulutan ba dito ng aral!^^
ReplyDeletewatever................
ReplyDelete..ang cute aman ng kwento .. may twist .. hehehe.. akalain muh un ..
ReplyDeleteMaganda ug story.... nakatawa...
ReplyDeletehahaha...idol!!!...ang gaganda po ng mga kwento mo....astig!!!
ReplyDeleteauss...panlibang sa mga taong pagod na ang isip para di matulad kay baleleng
ReplyDeleteganda! akala ko multo yung girl hehe... maraming nagsasabing mahaba, ngunit nakuha mo silang basahin hanggang sa huli. ibig sabihin mahusay ang iyong kwento. hehe..
ReplyDeletekakatuwa naman kwento mo. pwde ko ba ito mailagay sa school paper namin.
ReplyDeleteThanks..
quiet mysterious.., ahaha,. nakakagulat lang yung badwords sa last part.., bongga. may mga pa-tense effect pa!
ReplyDeletesana lang iwasan mo ang mga jijimon words kac nahuhubaran ng ganda ang kwento mo
ReplyDeletehi......ok syah na story.at hindi nman cguro sa ganun na matatakot agad sa girl.eh hindi p nma cyah nakagat eh.....at nakaka awa nman talaga syah na babae,,,,,,na nagkaroon ng ganyang sakit...........
ReplyDeletehai wat a cute story ..hehehe
ReplyDeletedun sa mga nagsasabing mahaba to... sus... maigsi pa nga ito eh para sa isang maikling kwento... subukan nyong basahin ang impeng negro... maikling kwento rin un... tingnan ko kung mahaba pa ito.... by the way... ayus ung kwento mo ah... gusto ko ito.. nakakatawa.. talaga...
ReplyDeleteganun talaga .... may mura kac inexpress nya ung feelings niya sa kuwento
ReplyDeletepwede po bang state nyo kung anong uri ng maikling kwento ang bawat article ....if ok lang po ...salamat
ReplyDelete